Ano ang ginagawa ng karamihan ng mga bata

  • Nakakapagsabi ng mga pangungusap na may apat o higit pang salita.
  • Nasasabi ang ilang salita mula sa kanta, kuwento o nursery rhyme.
  • Nagkukuwento tungkol sa kahit isang nangyari sa araw niya.
  • Nasasagot ang mga simpleng tanong, gaya ng “Para saan ang coat?”
  • Nasasabi kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwentong kabisado niya.

Mga unang palatandaang dapat bantayan

  • Hindi maintindihan ng mga tao ang karamihan sa sinasabi niya pagsapit ng edad 4.
  • Hindi pa gumagamit ng mga pangungusap na may apat o higit pang salita pagsapit ng edad 4.
  • Hindi nakasasagot ng mga simpleng tanong, gaya ng “Para saan ang coat?”, pagsapit ng edad 4.
  • Inuulit ang mga tunog, salita o parirala, iniuunat ang mga tunog o natitigil, lalo na kung tumagal na ito ng 3 hanggang 6 na buwan o mukhang tensyonado siya.
  • Madalas magsabi ng “ha?”, hindi sumusunod sa tagubilin, o nilalakasan ang TV. Puwedeng palatandaan ang mga ito para ipasuri ang pandinig niya.
  • Tumigil na sa pagsasabi ng mga salita o paggawa ng mga bagay na dati niyang ginagawa.

Sino ang tatawagan, nang libre

Subukan ito sa bahay

  • Magbasa nang magkasama at magtanong ng “Ano ang nangyayari?” at “Ano sa tingin mo ang susunod na mangyayari?”
  • Hikayatin ang anak ninyo na gumamit ng mga salita para humingi ng mga bagay at lutasin ang mga problema. Ibigay sa kaniya ang mga salita kung kailangan niya ng tulong.
  • Sagutin ang mga tanong na “bakit,” o hanapin ang mga sagot nang magkasama.
  • Magsalita nang buong pangungusap at gumamit ng mga bagong salita.
  • Gumamit ng mga salitang gaya ng “una,” “sunod” at “panghuli” sa mga pang-araw-araw na gawain.
  • Pag-usapan ang mga kulay, hugis at laki ng mga pang-araw-araw na bagay.

Sino ang tatawagan, nang libre

Humingi sa school district ninyo ng libreng evaluation, nang nakasulat.

Libreng ie-evaluate ng school district sa lugar ninyo ang mga batang edad 3 pataas, kahit hindi pa sila nag-aaral.

Kasama ang Washington, D.C., Puerto Rico, Guam, ang U.S. Virgin Islands, American Samoa at ang Northern Mariana Islands.

Alamin kung sino ang tatawagan sa estado ninyo

Mga source

Sinuri namin ang pahinang ito laban sa 5 source mula sa ang CDC, NIDCD, at ASHA. Huling sinuri .

Ipakita ang lahat ng 5 source